DPWHph · @dpwhph

投稿した 4 日 日前
46.77K フォロワー
32.5K views
1.13K likes
35 comments
75 shares

𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐃𝐎𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐌𝐏𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐇𝐀𝐆𝐎𝐍𝐎𝐘, 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍, 𝐆𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐍𝐀 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝘛𝘢𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢-𝘏𝘢𝘨𝘰𝘯𝘰𝘺, 𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘪𝘣𝘴𝘢𝘯 Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na simulan nitong Nobyembre ang konstruksyon ng Iba Pumping Station sa Hagonoy, Bulacan, na napag-alamang isa sa mga hindi tinapos ng dating namumuno sa DPWH Bulacan 1st District Engineering Office at kontratista nito, dahilan para magdulot pa lalo ng matinding baha sa lugar. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, nagdeploy na ang DPWH ng mobile pumps at tuluy-tuloy ang dredging sa Iba-Wawa Creek para maibsan kahit papaano ang matinding baha na nararanasan ng komunidad, habang itutuloy din ang ibang flood mitigating projects sa Hagonoy. "Pangako ko, babalik-balikan ko 'to, hangga't hindi talaga tayo makakakita ng improvement. Sinabihan ako ng Pangulo na hindi natin pwedeng pabayaan ang Bulacan. Kahit papaano, dahan-dahan, aayusin natin," ayon kay Secretary Vince Dizon sa kanyang muling inspeksyon ng Iba Pumping Station, kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Hagonoy Mayor Ma. Rosario Sy-Alvarado-Mendoza, at mga kinatawan ng grupong Tindig Hagonoy.