DPWHph ยท @dpwhph

Postado 4 dias atrรกs
46.77K seguidores
32.4K views
1.12K likes
35 comments
48 shares

๐๐๐๐Œ: ๐ˆ๐๐€๐๐€๐๐ƒ๐Ž๐๐€๐๐† ๐๐”๐Œ๐๐ˆ๐๐† ๐’๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐’๐€ ๐‡๐€๐†๐Ž๐๐Ž๐˜, ๐๐”๐‹๐€๐‚๐€๐, ๐†๐€๐–๐ˆ๐ ๐๐€ ๐€๐†๐€๐ƒ ๐˜›๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜บ, ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฃ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na simulan nitong Nobyembre ang konstruksyon ng Iba Pumping Station sa Hagonoy, Bulacan, na napag-alamang isa sa mga hindi tinapos ng dating namumuno sa DPWH Bulacan 1st District Engineering Office at kontratista nito, dahilan para magdulot pa lalo ng matinding baha sa lugar. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, nagdeploy na ang DPWH ng mobile pumps at tuluy-tuloy ang dredging sa Iba-Wawa Creek para maibsan kahit papaano ang matinding baha na nararanasan ng komunidad, habang itutuloy din ang ibang flood mitigating projects sa Hagonoy. "Pangako ko, babalik-balikan ko 'to, hangga't hindi talaga tayo makakakita ng improvement. Sinabihan ako ng Pangulo na hindi natin pwedeng pabayaan ang Bulacan. Kahit papaano, dahan-dahan, aayusin natin," ayon kay Secretary Vince Dizon sa kanyang muling inspeksyon ng Iba Pumping Station, kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Hagonoy Mayor Ma. Rosario Sy-Alvarado-Mendoza, at mga kinatawan ng grupong Tindig Hagonoy.