4.33K views
29 likes
1 comments
0 shares
𝐂𝐑𝐈𝐌𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐒𝐄 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐍𝐒𝐄𝐋𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀, 𝐈𝐍𝐈𝐇𝐀𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐏𝐖𝐇 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐔𝐂𝐊 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐃𝐔𝐋𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐇𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐖𝐄𝐓 𝐁𝐀𝐈𝐋𝐄𝐘 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐆𝐄, 𝐈𝐋𝐎𝐂𝐎𝐒 𝐒𝐔𝐑 Nagsampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property ang Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa driver ng 20-ton 10-wheeler truck na nagpumilit dumaan sa temporary Kaliwet bailey bridge sa Santo Domingo, Ilocos Sur, na may kapasidad lamang na 5 tons, dahilan para gumuho ang tulay at magdulot ng perwisyo sa mga motorista at komyuter sa lugar. Bukod sa kasong kriminal, ipinakakansela rin ng DPWH sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng iresponsableng driver, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang mga lumalabag sa road safety at naglalagay sa panganib sa buhay ng publiko.