Posted 3 days ago
11.27K followers
3.59K views
27 likes
1 comments
0 shares
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ Nagsampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property ang Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa driver ng 20-ton 10-wheeler truck na nagpumilit dumaan sa temporary Kaliwet bailey bridge sa Santo Domingo, Ilocos Sur, na may kapasidad lamang na 5 tons, dahilan para gumuho ang tulay at magdulot ng perwisyo sa mga motorista at komyuter sa lugar. Bukod sa kasong kriminal, ipinakakansela rin ng DPWH sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng iresponsableng driver, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang mga lumalabag sa road safety at naglalagay sa panganib sa buhay ng publiko.