Posted 2 days ago
47.92K followers
2.15K views
51 likes
3 comments
0 shares
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ฎ๐ช๐ต๐ช๐จ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ช๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ๐ด, ๐ต๐ถ๐ญ๐ถ๐บ-๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐๐ถ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ญ ๐๐ชรฑ๐ฐ Patuloy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapaigting ng flood mitigation initiatives ng ahensya sa kabila ng paparating na Super El Niรฑo upang maibsan ang matinding pagbaha sa mga low-lying at flood prone areas at matiyak na hindi maaabala ang mga motorista, komyuter, estudyante sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Sinabi ni Public Works Secretary Banoy Lopez na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang walang tigil na malawakang paglilinis, pagpapalalim, at pagpapalawak ng mga kritikal na daluyan ng tubig at drainage improvements sa mga urban areas para mapabilis ang pagdaloy ng tubig ulan oras na dumating ang habagat o rainy season. Isinasagawa ang Oplan Kontra Baha (OKB) sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor, kabilang ang San Miguel Corporation (SMC), na katuwang ng DPWH sa mga dredging operation, partikular sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cebu, at ilang lugar sa Mindanao.