Pubblicato 3 vita fa
47.92K seguaci
2.33K views
54 likes
3 comments
0 shares
𝐏𝐁𝐁𝐌, 𝐈𝐍𝐈𝐔𝐓𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐈𝐆𝐈𝐋 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀, 𝐃𝐑𝐀𝐈𝐍𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐌𝐏𝐑𝐎𝐕𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 𝘍𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘪𝘵𝘪𝘨𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦𝘴, 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘺-𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘚𝘶𝘱𝘦𝘳 𝘌𝘭 𝘕𝘪ñ𝘰 Patuloy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapaigting ng flood mitigation initiatives ng ahensya sa kabila ng paparating na Super El Niño upang maibsan ang matinding pagbaha sa mga low-lying at flood prone areas at matiyak na hindi maaabala ang mga motorista, komyuter, estudyante sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Sinabi ni Public Works Secretary Banoy Lopez na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang walang tigil na malawakang paglilinis, pagpapalalim, at pagpapalawak ng mga kritikal na daluyan ng tubig at drainage improvements sa mga urban areas para mapabilis ang pagdaloy ng tubig ulan oras na dumating ang habagat o rainy season. Isinasagawa ang Oplan Kontra Baha (OKB) sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor, kabilang ang San Miguel Corporation (SMC), na katuwang ng DPWH sa mga dredging operation, partikular sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Cebu, at ilang lugar sa Mindanao.