DPWHph · @dpwhph

Posted 2 weeks ago
47.99K followers
5.64K views
84 likes
6 comments
1 shares

𝐃𝐈𝐌𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐆𝐄 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇𝐁𝐎𝐔𝐍𝐃, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐌𝐔𝐋𝐈 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐈𝐒𝐓𝐀 Pagkatapos ng apat na buwang rehabilitasyon, binuksan nang muli sa mga motorista ang Dimasalang Bridge Northbound sa Sampaloc, Manila kaninang alas-5 ng umaga. Layunin ng isinagawang rehabilitasyon na higit pang patatagin ang istruktura ng tulay upang masiguro ang pangmatagalang kaligtasan at tibay nito para sa lahat ng dumaraan. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na mapanatili ang maayos at ligtas na kondisyon ng mga pangunahing tulay sa Metro Manila. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang kaligtasan ng publiko, patuloy ang DPWH sa mahigpit na pagmo-monitor sa kondisyon ng imprastruktura upang masiguro ang tuloy-tuloy at ligtas na daloy ng trapiko.