Pubblicato 2 settimane fa
47.99K seguaci
5.64K views
84 likes
6 comments
1 shares
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ Pagkatapos ng apat na buwang rehabilitasyon, binuksan nang muli sa mga motorista ang Dimasalang Bridge Northbound sa Sampaloc, Manila kaninang alas-5 ng umaga. Layunin ng isinagawang rehabilitasyon na higit pang patatagin ang istruktura ng tulay upang masiguro ang pangmatagalang kaligtasan at tibay nito para sa lahat ng dumaraan. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na mapanatili ang maayos at ligtas na kondisyon ng mga pangunahing tulay sa Metro Manila. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang kaligtasan ng publiko, patuloy ang DPWH sa mahigpit na pagmo-monitor sa kondisyon ng imprastruktura upang masiguro ang tuloy-tuloy at ligtas na daloy ng trapiko.