DPWHph · @dpwhph

Posted 1 week ago
46.55K followers
18.71K views
760 likes
14 comments
7 shares

𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐔𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐄𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐌𝐈𝐓𝐈𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐒𝐀 𝐔𝐏-𝐏𝐆𝐇, 𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒𝐀𝐍 𝘋𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 2% 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘳𝘢𝘵𝘦, 𝘶𝘮𝘶𝘴𝘢𝘥 𝘯𝘢 𝘴𝘢 30% 𝘴𝘢 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘸𝘢𝘯 Naging mabilis ang progreso sa loob lang ng tatlong buwan ng konstruksyon ng drainage rehabilitation at inlet improvements sa loob ng University of the Philippines - Philippine General Hospital (UP-PGH) na noon ay nasa 2% progress rate at ngayon ay 30% na ang progreso matapos pabayaan ng contractor na nakatiwangwang ang proyekto habang nahihirapan ang mga pasyente at hospital staff dahil sa matindi at paulit-ulit na pagbaha sa ospital. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang drainage at inlet improvement sa UP-PGH para maibsan ang matinding pagbaha at hindi mahirapan ang mga pumupunta sa ospital tuwing malakas at walang tigil ang ulan. “We all see, every year na lang, grabe ang pagbaha dito. Nakakaawa ang mga pasyente at empleyado. In three months, we were able to move from two (2) to 30 percent, and we’re confident na by early next year, tapos na tayo sa lahat,” sinabi ng Kalihim nang inspeksyunin ang nasabing ospital kasama si UP-PGH Medical Director Dr. Gerardo Legaspi.