DPWHph ยท @dpwhph

Verรถffentlicht 1 Monat vor
48.08K followern
29.4K views
1.12K likes
20 comments
9 shares

๐๐๐๐Œ: ๐Š๐Ž๐๐’๐“๐‘๐”๐Š๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐“๐„๐๐†๐†๐€๐๐† ๐…๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ ๐Œ๐ˆ๐“๐ˆ๐†๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐’๐€ ๐”๐-๐๐†๐‡, ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐’๐€๐ ๐˜‹๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ 2% ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ, ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข 30% ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ Naging mabilis ang progreso sa loob lang ng tatlong buwan ng konstruksyon ng drainage rehabilitation at inlet improvements sa loob ng University of the Philippines - Philippine General Hospital (UP-PGH) na noon ay nasa 2% progress rate at ngayon ay 30% na ang progreso matapos pabayaan ng contractor na nakatiwangwang ang proyekto habang nahihirapan ang mga pasyente at hospital staff dahil sa matindi at paulit-ulit na pagbaha sa ospital. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang drainage at inlet improvement sa UP-PGH para maibsan ang matinding pagbaha at hindi mahirapan ang mga pumupunta sa ospital tuwing malakas at walang tigil ang ulan. โ€œWe all see, every year na lang, grabe ang pagbaha dito. Nakakaawa ang mga pasyente at empleyado. In three months, we were able to move from two (2) to 30 percent, and weโ€™re confident na by early next year, tapos na tayo sa lahat,โ€ sinabi ng Kalihim nang inspeksyunin ang nasabing ospital kasama si UP-PGH Medical Director Dr. Gerardo Legaspi.