DPWHph ยท @dpwhph

Posted 1 week ago
46.55K followers
109.7K views
2.64K likes
51 comments
210 shares

๐๐๐๐Œ: ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐Š๐“๐€๐‡๐€๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐‡๐€๐˜๐€๐ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐ˆ๐†๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐ ๐‚๐‘๐„๐„๐Š ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜จ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ, ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad ayusin ang mga nasirang floodwalls sa mga kritikal na estero sa San Fernando City, Pampanga, kabilang ang Magliman Creek sa Villa Del Sol na nagkabutas-butas dahil sa sunud-sunod na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha na nakaperwisyo sa mga residente pati sa mga karatig-lugar nito. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon makikipagtulungan ang ahensya sa lokal na pamahalaan ng San Fernando para sa agarang pagpapatupad ng mga flood mitigation interventions, kabilang ang pagbabaon ng steel sheet piles, pagpapataas at pagpapatibay ng mga retaining walls upang maprotektahan ang mga kabahayan sa paligid ng creek. โ€œAgad-agad naman tayong pinapunta ni Pangulo dito para masimulan na 'yung pagsasaayos nitong mga nabutas [na floodwalls] para hindi na papasok 'yung tubig. Ready to go na tayo. Mag-uumpisa na tayo agad,โ€ sinabi ng Kalihim sa kanyang pagpunta sa lugar kasama si San Fernando City Mayor Vilma Caluag.