DPWHph · @dpwhph

Publicado por 2 semanas hace
46.79K seguidores
111.6K views
2.7K likes
50 comments
215 shares

𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐈𝐆𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍 𝐂𝐑𝐄𝐄𝐊 𝘗𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘭𝘪𝘥 𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘵𝘦𝘳𝘸𝘢𝘺, 𝘴𝘪𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘢 Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad ayusin ang mga nasirang floodwalls sa mga kritikal na estero sa San Fernando City, Pampanga, kabilang ang Magliman Creek sa Villa Del Sol na nagkabutas-butas dahil sa sunud-sunod na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha na nakaperwisyo sa mga residente pati sa mga karatig-lugar nito. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon makikipagtulungan ang ahensya sa lokal na pamahalaan ng San Fernando para sa agarang pagpapatupad ng mga flood mitigation interventions, kabilang ang pagbabaon ng steel sheet piles, pagpapataas at pagpapatibay ng mga retaining walls upang maprotektahan ang mga kabahayan sa paligid ng creek. “Agad-agad naman tayong pinapunta ni Pangulo dito para masimulan na 'yung pagsasaayos nitong mga nabutas [na floodwalls] para hindi na papasok 'yung tubig. Ready to go na tayo. Mag-uumpisa na tayo agad,” sinabi ng Kalihim sa kanyang pagpunta sa lugar kasama si San Fernando City Mayor Vilma Caluag.