DPWHph ยท @dpwhph

Posted 2 days ago
45.16K followers
10.7K views
515 likes
8 comments
7 shares

๐†๐”๐ˆ๐‚๐€๐Œ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐†๐„, ๐๐”๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐”๐‘๐ˆ ๐๐† ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐˜‹๐˜—๐˜ž๐˜, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ 25-๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜น๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ข Nadaraanan na ng lahat ng uri ng sasakyan ang bagong bukas na Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay na magpapabilis ng biyahe mula at papuntang Olutanga Island at sa bayan ng Alicia, sa loob ng dalawang minuto kumpara sa dating dalawang oras, dahil na rin sa paghihintay ng biyahe sa barge. Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na pabilisin ang pagkumpleto ng mga kritikal na imprastraktura upang agad na mapakinabangan ng publiko, lalo na sa mga lugar na matagal nang nangangailangan ng mas mabilis at ligtas na biyahe. Sa pagbubukas ng tulay, magpapatupad ang DPWH ng 25-toneladang maximum load limit para sa kaligtasan ng mga motorista at biyahero, habang inaasahang malaking tulong din ito sa mas mabilis na pagdadala ng mga produkto at kalakal sa mga karatig-lugar.