Pubblicato 1 giorno fa
45.16K seguaci
9.37K views
481 likes
8 comments
5 shares
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ 25-๐ต๐ฐ๐ฏ๐ฆ๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐น๐ช๐ฎ๐ถ๐ฎ ๐ญ๐ฐ๐ข๐ฅ ๐ญ๐ช๐ฎ๐ช๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐บ๐ข๐ฌ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ต๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ข Nadaraanan na ng lahat ng uri ng sasakyan ang bagong bukas na Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay na magpapabilis ng biyahe mula at papuntang Olutanga Island at sa bayan ng Alicia, sa loob ng dalawang minuto kumpara sa dating dalawang oras, dahil na rin sa paghihintay ng biyahe sa barge. Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na pabilisin ang pagkumpleto ng mga kritikal na imprastraktura upang agad na mapakinabangan ng publiko, lalo na sa mga lugar na matagal nang nangangailangan ng mas mabilis at ligtas na biyahe. Sa pagbubukas ng tulay, magpapatupad ang DPWH ng 25-toneladang maximum load limit para sa kaligtasan ng mga motorista at biyahero, habang inaasahang malaking tulong din ito sa mas mabilis na pagdadala ng mga produkto at kalakal sa mga karatig-lugar.