DPWHph · @dpwhph

Posted 5 days ago
33.54K followers
272K views
6.05K likes
287 comments
531 shares

𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐃’𝐘𝐀𝐍 𝘗𝘉𝘉𝘔, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘧𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘳𝘰𝘭 𝘴𝘵𝘳𝘶𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘴𝘢 𝘊𝘢𝘭𝘶𝘮𝘱𝘪𝘵, 𝘉𝘶𝘭𝘢𝘤𝘢𝘯 𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Pinuntahan nina Public Works Secretary Vince Dizon at Calumpit Mayor Lem Faustino ang flood control structure sa Bagbag River sa Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, kung saan papataasin ang kapasidad ng ilog upang maibsan ang mala-dagat na pag-overflow ng ilog na pumeperwisyo sa mga residente tuwing malakas ang ulan o may bagyo. Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng istruktura na pipigil sa pag-overflow ng ilog, na poprotekta naman sa mga residente mula sa matinding baha. "Ang pakiusap po natin sa mga kababayan natin, konting pang-unawa. Alam kong mahirap 'yong hinihingi namin sa inyo, pero buhay po ng mga pamilya ninyo ang nakasalalay d’yan. Sa tulong po ng lokal ng pamahalaan ng Calumpit, kayo po'y mababayaran ng tama at magkakaroon din po kayo ng pabahay," sinabi ni Secretary Dizon sa mga nakatira malapit sa ilog.