Verรถffentlicht 5 Tage vor
33.54K followern
272.7K views
6.08K likes
288 comments
532 shares
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐โ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ง๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ต๐ณ๐ฐ๐ญ ๐ด๐ต๐ณ๐ถ๐ค๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ญ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ช๐ต, ๐๐ถ๐ญ๐ข๐ค๐ข๐ฏ ๐๐๐๐๐๐๐๐: Pinuntahan nina Public Works Secretary Vince Dizon at Calumpit Mayor Lem Faustino ang flood control structure sa Bagbag River sa Brgy. Calizon, Calumpit, Bulacan, kung saan papataasin ang kapasidad ng ilog upang maibsan ang mala-dagat na pag-overflow ng ilog na pumeperwisyo sa mga residente tuwing malakas ang ulan o may bagyo. Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng istruktura na pipigil sa pag-overflow ng ilog, na poprotekta naman sa mga residente mula sa matinding baha. "Ang pakiusap po natin sa mga kababayan natin, konting pang-unawa. Alam kong mahirap 'yong hinihingi namin sa inyo, pero buhay po ng mga pamilya ninyo ang nakasalalay dโyan. Sa tulong po ng lokal ng pamahalaan ng Calumpit, kayo po'y mababayaran ng tama at magkakaroon din po kayo ng pabahay," sinabi ni Secretary Dizon sa mga nakatira malapit sa ilog.