DPWHph ยท @dpwhph

Posted 5 days ago
14.16K followers
14.7K views
492 likes
21 comments
14 shares

๐๐‡๐€๐’๐„ ๐Ÿ ๐๐† ๐‚๐€๐‹๐๐ˆ๐†๐€ ๐๐‘๐ˆ๐ƒ๐†๐„ ๐‘๐„๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐’๐€๐Œ๐€๐‘, ๐๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐Ÿ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡๐’ ๐€๐‡๐„๐€๐ƒ ๐Ž๐… ๐’๐‚๐‡๐„๐ƒ๐”๐‹๐„ ๐˜”๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ถ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜—๐˜‰๐˜‰๐˜” Nadaraanan na ng mas mabibigat na sasakyan ang Calbiga Bridge sa Samar pagkatapos ng pagsasaayos at pagpapatibay na isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos ng dalawang buwan na mas maaga kumpara sa orihinal na target date of completion nito. Itinaas na ang load capacity ng tulay sa 15 tons, matapos makumpleto ang unang bahagi ng repair and strengthening works na isinagawa ng ahensiya kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas at tuluy-tuloy ang biyahe ng mga motorista at paggalaw ng mga kalakal sa rehiyon. Maaari namang dumaan ang hanggang 30 tons na mga sasakyan gamit ang one-way traffic scheme mula 10:00pm hanggang 5:00am. Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, patuloy naman ang natitirang rehabilitation works upang higit pang mapatibay ang tulay at matiyak ang pangmatagalang kaligtasan ng mga gumagamit nito.