Pubblicato 6 vita fa
14.16K seguaci
16.9K views
548 likes
22 comments
15 shares
𝐏𝐇𝐀𝐒𝐄 𝟏 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐁𝐈𝐆𝐀 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐆𝐄 𝐑𝐄𝐇𝐀𝐁 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐌𝐀𝐑, 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝟐 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇𝐒 𝐀𝐇𝐄𝐀𝐃 𝐎𝐅 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 𝘔𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘺𝘢𝘯, 𝘪𝘯𝘪𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘯𝘪 𝘗𝘉𝘉𝘔 Nadaraanan na ng mas mabibigat na sasakyan ang Calbiga Bridge sa Samar pagkatapos ng pagsasaayos at pagpapatibay na isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos ng dalawang buwan na mas maaga kumpara sa orihinal na target date of completion nito. Itinaas na ang load capacity ng tulay sa 15 tons, matapos makumpleto ang unang bahagi ng repair and strengthening works na isinagawa ng ahensiya kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas at tuluy-tuloy ang biyahe ng mga motorista at paggalaw ng mga kalakal sa rehiyon. Maaari namang dumaan ang hanggang 30 tons na mga sasakyan gamit ang one-way traffic scheme mula 10:00pm hanggang 5:00am. Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, patuloy naman ang natitirang rehabilitation works upang higit pang mapatibay ang tulay at matiyak ang pangmatagalang kaligtasan ng mga gumagamit nito.