DPWHph ยท @dpwhph

Posted 1 week ago
14.16K followers
5.89K views
66 likes
4 comments
0 shares

๐๐‘๐Ž-๐€๐‚๐“๐ˆ๐•๐„ ๐€๐๐๐‘๐Ž๐€๐‚๐‡ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐, ๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐†๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐Œ๐€๐“๐”๐†๐”๐๐€๐ ๐€๐๐† ๐๐‘๐Ž๐๐‹๐„๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‡๐€โ€”๐๐๐๐Œ ๐˜‹๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ธ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ๐˜ด Patuloy ang pamahalaan sa pag-implementa ng pro-active at systematic approach sa ilalim ng Oplan Kontra Baha (OKB) initiative upang maibsan at mapabilis ang paghupa ng matinding pagbaha sa mga flood-prone at low-lying areas ngayong tag-ulan. Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na dapat walang tigil ang paglilinis, dregding, at desilting ng mga pangunahing daluyan ng tubig-ulan gaya ng mga kanal, drainage, estero at mga ilog upang mabawasan ang perwisyo na dulot ng matinding pagbaha sa mga residente, estudyante, at mga motorista. Hinikayat din ni Public Works Secretary Vince Dizon ang disiplina at partisipasyon ng publiko sa pagiging responsable sa pagtatapon ng basura na bumabara sa mga waterways, dahilan upang matagal at mabagal ang paghupa ng baha. Kabilang sa pangunahing tinututukan at walang tigil sa pagsulong ng Oplan Kontra Baha ay ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Tarlac, at Naga, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao tulad ng Cebu, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, at Maguindanao.