DPWHph · @dpwhph

Veröffentlicht 1 Woche vor
16.91K followern
6.6K views
69 likes
4 comments
0 shares

𝐏𝐑𝐎-𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐀𝐏𝐏𝐑𝐎𝐀𝐂𝐇 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍, 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐆𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐋𝐄𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐇𝐀—𝐏𝐁𝐁𝐌 𝘋𝘪𝘴𝘪𝘱𝘭𝘪𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘱𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘴𝘶𝘳𝘢, 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘢𝘳𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘸𝘢𝘵𝘦𝘳𝘸𝘢𝘺𝘴 Patuloy ang pamahalaan sa pag-implementa ng pro-active at systematic approach sa ilalim ng Oplan Kontra Baha (OKB) initiative upang maibsan at mapabilis ang paghupa ng matinding pagbaha sa mga flood-prone at low-lying areas ngayong tag-ulan. Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na dapat walang tigil ang paglilinis, dregding, at desilting ng mga pangunahing daluyan ng tubig-ulan gaya ng mga kanal, drainage, estero at mga ilog upang mabawasan ang perwisyo na dulot ng matinding pagbaha sa mga residente, estudyante, at mga motorista. Hinikayat din ni Public Works Secretary Vince Dizon ang disiplina at partisipasyon ng publiko sa pagiging responsable sa pagtatapon ng basura na bumabara sa mga waterways, dahilan upang matagal at mabagal ang paghupa ng baha. Kabilang sa pangunahing tinututukan at walang tigil sa pagsulong ng Oplan Kontra Baha ay ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Tarlac, at Naga, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao tulad ng Cebu, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, at Maguindanao.