21.8K views
899 likes
24 comments
53 shares
𝐏𝐁𝐁𝐌, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐃𝐀𝐋𝐈 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐔𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝟗-𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐄𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐆𝐔𝐒𝐓𝐈𝐍 𝐁𝐑𝐈𝐃𝐆𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀 𝘔𝘰𝘵𝘰𝘳𝘪𝘴𝘵𝘢, 𝘬𝘰𝘮𝘺𝘶𝘵𝘦𝘳, 𝘪𝘯𝘢𝘢𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘗𝘢𝘴𝘬𝘰 Mas mabilis na ang biyahe ng mga motorista at komyuter, lalo na ng mga uuwi sa kanilang probinsya ngayong holiday season, oras na matapos ang konstruksyon ng San Agustin Bridge sa Arayat, Pampanga na natengga ng halos siyam na taon dahilan para maghanap ng alternatibong ruta ang mga biyahero para lang makapunta sa Nueva Ecija at Tarlac. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang konstruksyon ng kritikal na tulay para mapakinabangan na ang tulay ng mga motorista at komyuter bago magPasko. “Nine years ‘to (nakatengga). Importante talaga ang pagsusumbong ng mga kababayan at LGU natin para maayos natin ‘yung mga matagal nang (nagdudulot ng) problema. Ito ang pinakamagandang example na kaya naman pala!” ayon sa Kalihim matapos inspeksyunin ang proyekto kasama sina Pampanga Vice Governor Delta Pineda at Arayat Mayor Jeffrey Luriz.