Publicado por 3 dias hace
46.77K seguidores
21.9K views
905 likes
24 comments
53 shares
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฐ๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ข, ๐ฌ๐ฐ๐ฎ๐บ๐ถ๐ต๐ฆ๐ณ, ๐ช๐ฏ๐ข๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ญ๐ข๐บ ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐จ๐๐ข๐ด๐ฌ๐ฐ Mas mabilis na ang biyahe ng mga motorista at komyuter, lalo na ng mga uuwi sa kanilang probinsya ngayong holiday season, oras na matapos ang konstruksyon ng San Agustin Bridge sa Arayat, Pampanga na natengga ng halos siyam na taon dahilan para maghanap ng alternatibong ruta ang mga biyahero para lang makapunta sa Nueva Ecija at Tarlac. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang konstruksyon ng kritikal na tulay para mapakinabangan na ang tulay ng mga motorista at komyuter bago magPasko. โNine years โto (nakatengga). Importante talaga ang pagsusumbong ng mga kababayan at LGU natin para maayos natin โyung mga matagal nang (nagdudulot ng) problema. Ito ang pinakamagandang example na kaya naman pala!โ ayon sa Kalihim matapos inspeksyunin ang proyekto kasama sina Pampanga Vice Governor Delta Pineda at Arayat Mayor Jeffrey Luriz.