161.8K views
3.67K likes
303 comments
196 shares
𝐏𝐁𝐁𝐌, 𝐈𝐍𝐈𝐔𝐓𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌, 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀 𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑 𝘍𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘪𝘵𝘪𝘨𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦𝘴 𝘪𝘱𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘋𝘗𝘞𝘏 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘣𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢 Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang malawakang dredging at pagpapalalim ng Pampanga River at mga tributaries na ilang dekada nang hindi nalilinis, dahilan para bumilis ang pag-apaw ng tubig na halos kapantay na ng mga kabahayan sa Macabebe at Masantol, at patuloy na nagdudulot ng matagalang matinding baha sa lugar. Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay ang pagpapalalim at pagpapalawak ng ilog sa flood mitigation works sa lugar, kabilang ang paglalagay ng high-capacity pumps, flood walls, at dikes upang maibsan ang taun-taong problema sa baha ng probinsya. “The key is to manage where the water will go. We need to find immediate solutions for this. We need to do something now para naman kahit paano meron silang maramdamang relief,” sabi ni Public Works Secretary Vince Dizon sa kanyang pag-inspeksyon sa lugar kasama sina Masantol Municipal Mayor Danilo Guintu, Vice Mayor Lucia Liezle Guintu, at Macabebe Vice Mayor Vince Flores.