DPWHph ยท @dpwhph

Diposting 2 hari-hari lalu
45.15K pengikut
160K views
3.62K likes
298 comments
190 shares

๐๐๐๐Œ, ๐ˆ๐๐ˆ๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ, ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐Š ๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐†๐€ ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐˜๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜—๐˜ž๐˜ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ฃ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang malawakang dredging at pagpapalalim ng Pampanga River at mga tributaries na ilang dekada nang hindi nalilinis, dahilan para bumilis ang pag-apaw ng tubig na halos kapantay na ng mga kabahayan sa Macabebe at Masantol, at patuloy na nagdudulot ng matagalang matinding baha sa lugar. Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay ang pagpapalalim at pagpapalawak ng ilog sa flood mitigation works sa lugar, kabilang ang paglalagay ng high-capacity pumps, flood walls, at dikes upang maibsan ang taun-taong problema sa baha ng probinsya. โ€œThe key is to manage where the water will go. We need to find immediate solutions for this. We need to do something now para naman kahit paano meron silang maramdamang relief,โ€ sabi ni Public Works Secretary Vince Dizon sa kanyang pag-inspeksyon sa lugar kasama sina Masantol Municipal Mayor Danilo Guintu, Vice Mayor Lucia Liezle Guintu, at Macabebe Vice Mayor Vince Flores.