DPWHph · @dpwhph

投稿した 3 日 日前
47.92K フォロワー
6.9K views
284 likes
20 comments
4 shares

𝐏𝐁𝐁𝐌 𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐄𝐂. 𝐋𝐎𝐏𝐄𝐙: 𝐈𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀, 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐍𝐈 𝐒𝐄𝐂. 𝐃𝐈𝐙𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐃𝐏𝐖𝐇 𝘚𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘰𝘭𝘪𝘵𝘪𝘤𝘢𝘭 𝘸𝘪𝘭𝘭, 𝘴𝘶𝘴𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘶𝘮𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯 Tiniyak ni bagong Public Works Secretary Banoy Lopez na tuluy-tuloy ang pagbabago at repormang sinimulan ni dating Secretary Vince Dizon upang hindi na maulit ang pagnanakaw ng perang nakalaan sa mga proyekto at maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. Sinabi ni si Secretary Lopez na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasaayos ng sistema sa ahensya para masiguro na matatapos ang mga proyekto para sa kapakinabangan ng taumbayan. “I've never had any political capital. It will be easier on my part to decide quickly, kahit sino pa ang magsasabing at magpipilit sa akin na kailangang gawin. Andyan na rin ho 'yung mga reporma ni Secretary Vince. Mas mapapadali po pagdating sa akin na magdesisyon,” sabi ni Secretary Lopez sa join press briefing ng DPWH at DOTr nitong Martes.