DPWHph · @dpwhph

投稿した 4 日 日前
46.77K フォロワー
182.2K views
5.72K likes
341 comments
1.04K shares

𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐕𝐀𝐋𝐄𝐍𝐙𝐔𝐄𝐋𝐀, 𝐓𝐀𝐏𝐔𝐒𝐈𝐍 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐌𝐀𝐆-𝐏𝐀𝐒𝐊𝐎 𝘋𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘬𝘶-𝘣𝘢𝘬𝘰, 𝘮𝘢𝘶𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘺𝘢𝘩𝘦, 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘪𝘺𝘢𝘩𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢 𝘶𝘶𝘸𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘪𝘯𝘴𝘺𝘢 Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rehabilitasyon ng Maysan Road sa Valenzuela City para matapos bago mag-Pasko ang dating puro ukang kalsada na nagpapahirap at nagpapatagal sa biyahe ng mga motorista at komyuter na dumaraan dito. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, sa loob lang ng dalawang buwan, nasa 35% na ang progress rate ng pagsasaayos ng kalsada, habang papalaparin din ang mga drainage at inlet upang maiwasan ang pag-ipon ng tubig sa kalsada para maibsan ang matinding baha sa lugar. "It's a critical road, kinu-connect niya ang NLEX at saka ang MacArthur [Highway]. So, we're at 35% in two months lang, mabilis 'yun. Hopefully substantially completed tayo bago mag-Pasko," sinabi ng Kalihim sa kanyang muling paginspeksyon sa lugar kasama si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian.