Pubblicato 1 settimana fa
47.92K seguaci
9.67K views
273 likes
12 comments
4 shares
𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐒𝐂𝐈𝐄𝐍𝐂𝐄-𝐁𝐀𝐒𝐄𝐃 𝐀𝐏𝐏𝐑𝐎𝐀𝐂𝐇 𝐈𝐏𝐀𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐍𝐔𝐁𝐔𝐎𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐌𝐈𝐓𝐈𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐌𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐑𝐋𝐀𝐂 𝘞𝘩𝘰𝘭𝘦-𝘰𝘧-𝘨𝘰𝘷’𝘵 𝘢𝘱𝘱𝘳𝘰𝘢𝘤𝘩, 𝘪𝘴𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘰𝘭𝘶𝘴𝘺𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘩𝘢 Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama ang iba’t ibang kinatawan ng national, local, at provincial government ang pagbuo ng Flood Mitigation Master Plan para sa probinsya ng Tarlac upang maibsan ang matinding pagbaha sa probinsya. Ayon kay Secretary Vince Dizon, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga eksperto, private sector at kinatawan ng mga local government sa buong bansa para masigurong science at needs-based ang mga pinatutupad na proyekto upang maibsan ang perwisyong dulot ng pagbaha at matiyak na nagagamit ng tama ang pera ng taumbayan. “The first step in spending the people’s money the right way is really (through) a science-based approach. Pwedeng gawan ng paraan, pwedeng maayos. Napakaimportante na magsama-sama tayo, magtulungan tayo, kasi ang problema ng pagbaha ay problema nating lahat,” sabi ng Kalihim sa kaniyang pakikipagpulong kasama sina Mayor Susan Yap, Governor Christian Yap, Project NOAH Director Dr. Mahar Lagmay, Tarlac Agricultural University President Dr. Silverio Salunson, at iba pang kinatawan ng bawat siyudad sa probinsya ng Tarlac.