Verรถffentlicht 1 Woche vor
47.92K followern
9.76K views
275 likes
12 comments
4 shares
๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐ฐ๐ญ๐ฆ-๐ฐ๐ง-๐จ๐ฐ๐ทโ๐ต ๐ข๐ฑ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ข๐ค๐ฉ, ๐ช๐ด๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ด๐ฐ๐ญ๐ถ๐ด๐บ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama ang ibaโt ibang kinatawan ng national, local, at provincial government ang pagbuo ng Flood Mitigation Master Plan para sa probinsya ng Tarlac upang maibsan ang matinding pagbaha sa probinsya. Ayon kay Secretary Vince Dizon, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga eksperto, private sector at kinatawan ng mga local government sa buong bansa para masigurong science at needs-based ang mga pinatutupad na proyekto upang maibsan ang perwisyong dulot ng pagbaha at matiyak na nagagamit ng tama ang pera ng taumbayan. โThe first step in spending the peopleโs money the right way is really (through) a science-based approach. Pwedeng gawan ng paraan, pwedeng maayos. Napakaimportante na magsama-sama tayo, magtulungan tayo, kasi ang problema ng pagbaha ay problema nating lahat,โ sabi ng Kalihim sa kaniyang pakikipagpulong kasama sina Mayor Susan Yap, Governor Christian Yap, Project NOAH Director Dr. Mahar Lagmay, Tarlac Agricultural University President Dr. Silverio Salunson, at iba pang kinatawan ng bawat siyudad sa probinsya ng Tarlac.