Posted 6 days ago
1.37K followers
106 views
2 likes
1 comments
0 shares
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗜𝗡 𝗦𝗜 𝗕𝗔𝗧𝗢 PANOORIN: Video statement ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa nangyaring shooting incident sa Senado. Aniya, tinawagan niya raw si National Bureau of Investigation (NBI) director Atty. Melvin Matibag para tanungin kung sila ba ay pumasok sa Senado. Sabi raw ni Matibag ay hindi dahil wala naman umanong instruction mula sa Pangulo. Ayon kay Marcos, may dalawang klase raw ang mga nakitang naka-uniporme sa loob ng Senado. Isa rito ang PNP na naka-duty sa Senado, at ang isa ay ang PH Marine detachment na taga-roon din daw sa Senado. Ang mga nakasibilyan daw ay mga OSAA. Muli rin niyang nilinaw na wala siyang instruction para hulihin si Senador Bato dela Rosa. Hindi rin daw gobyerno ang may kagagawan nito. Nakausap na rin umano niya si Senate President Alan Peter Cayetano. Tiniyak din ni Marcos ang imbestigasyon para malaman kung ito raw ba ay engkwentro, o isang destabilization. Umapela naman siya sa taumbayan na manatiling kalmado. #pbbm #senate #nbi #batodelarosa