๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ Nagbabala si Public Works Secretary Vince Dizon sa publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na opisyal o empleyado ng DPWH upang mangako ng posisyon o proyekto sa ahensya. Isang indibidwal ang nagtungo sa DPWH Central Office para sa umanoโy oath-taking ceremony ng kanyang posisyon bilang โRegional Directorโ batay sa dokumentong ipinadala sa pamamagitan ng online messaging application. โNakikipagtulungan tayo sa PNP Anti-Cybercrime Group, NBI at sa PNP-CIDG para mahuli na itong mga loko-lokong kababayan natin na ito,โ sinabi ni Secretary Dizon. Pinapaalalahanan ang publiko na ang lahat ng opisyal na appointment at iba pang transaksyon ng DPWH ay dumaraan lamang sa mga lehitimong proseso at opisyal na komunikasyon. Hinihimok ng ahensya ang publiko na maging mapanuri at i-report ang ganitong klaseng modus at mga kahina-hinalang transaksyon sa DPWH Hotline 165-02, DPWH social media accounts o mag-email sa [email protected].