DPWHph ยท @dpwhph

Posted 2 days ago
35.56K followers
6.33K views
30 likes
2 comments
1 shares

๐๐€๐๐€๐‹๐€ ๐“๐”๐๐†๐Š๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐Š๐€๐‹๐€๐“ ๐๐† ๐๐„๐Š๐„๐๐† ๐ƒ๐Ž๐Š๐”๐Œ๐„๐๐“๐Ž ๐๐† ๐ƒ๐๐–๐‡ Mahigpit na nagbababala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga namemeke ng official documents ng ahensyaโ€”tulad ng memorandum, Special Order, appointment papers, at iba paโ€”gamit ang lagda ni Public Works Secretary Vince Dizon na sila ay maaaring sampahan ng kasong administratibo o kriminal. Pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri laban sa hindi awtorisado at ilegal na paggamit ng lagda ng kalihim matapos makarating sa aming tanggapan ang mga ulat na may mga indibidwal na umano'y gumagawa ng nasabing modus para makapanloko. Hinihikayat ang publiko na iulat sa DPWH Hotline 165-02, DPWH social media accounts, o mag-email sa [email protected] ang anumang kahinahinalang mga dokumento o aktibidad na gumagamit ng pangalan o lagda ng kalihim.