Posted 6 days ago
48.21K followers
21.9K views
954 likes
18 comments
27 shares
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ถ๐ฌ๐ต๐ถ๐ณ๐ข, ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ด, ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฃ๐ข๐บ, ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข '๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ธ', ๐ด๐ถ๐ฃ๐ด๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ณ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฅ๐ช๐ด๐ฌ๐ถ๐ฃ๐ณ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ถ๐ญ๐ฐ Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng 500-linear meter flood mitigation structure sa Brgy. Frances, Calumpit, Bulacan, na nadiskubre niya mismo noong Agosto 2025 na substandard o โampawโ na flood control structure na nakapagpalala pa ng pagbaha sa lugar. Ayon kay Public Works Secretary Banoy Lopez, ang ginagawang struktura na pinasimulan ni dating Secretary Vince Dizon ay mas mataas at hindi hamak na mas matibay sa substandard at maling disenyo ng dating maanomalyang flood control project, para maibsan ang matinding pagbaha na nararanasan ng mga residente tuwing tag-ulan o high tide. "Tuluy-tuloy lang po ang reporma, ang proyekto. What we need right now is swift accountability. Kailangan ko i-check ito kasi may commitment ang kontratista na matapos ang tamang istruktura bago mag-Marso sa darating na taon,โ sinabi ni Secretary Lopez matapos inspeksyunin ang proyekto.