Posted 1 week ago
48.21K followers
1.39K views
14 likes
6 comments
2 shares
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐จ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ญ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ช๐ธ๐ข๐ญ๐ช, ๐ฌ๐ฐ๐ณ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ฆ๐บ๐ข๐ฅ๐ฐ, ๐ช๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ Tanggal na sa pwesto sina Tarlac 1st District Engineering Office (DEO) District Engineer Hermon Ines at Engineer Saidale Mitmug ng Cotabato 3rd District Engineering Office kasunod ng mga alegasyon ng korapsyon; Apayao 2nd District Engineering Office OIC District Engineer Clifton Valencerina dahil sa alegasyon ng pangingikil ng SOP sa mga proyekto; at Lanao Del Norte 2nd District Engineering Office District Engineer Amron Mitmug dahil sa pagsertipika sa mga unimplementable na proyekto. Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sibakin sa pwesto ang mga opisyal at empleyadong sangkot sa mga tiwaling gawain bilang bahagi ng malawakang reporma at pagbabago sa ahensya. Sinabi ni Public Works Secretary Banoy Lopez tuluy-tuloy ang โone-strike policyโ na ipinatupad ni dating Secretary Vince Dizon at agad iimbestigahan ang mga indibidwal na masasangkot sa mga kwestyunableng gawain, habang tiniyak ng Kalihim walang sasantuhin ang ahensya sa paglaban sa korapsyon.