Posted 1 week ago
48.21K followers
19.4K views
765 likes
31 comments
48 shares
𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐑𝐄𝐇𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍, 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐂𝟓 𝐑𝐎𝐀𝐃, 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐍 𝘗𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘴𝘪𝘨 𝘉𝘭𝘷𝘥-𝘊5 𝘍𝘭𝘺𝘰𝘷𝘦𝘳, 𝘊5 𝘉𝘰𝘯𝘪 𝘚𝘦𝘳𝘳𝘢𝘯𝘰 𝘍𝘭𝘺𝘰𝘷𝘦𝘳, 𝘢𝘩𝘦𝘢𝘥 𝘰𝘧 𝘴𝘤𝘩𝘦𝘥𝘶𝘭𝘦 Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na simulan bago matapos ang taon ang pagsasaayos ng C5 Road mula Kalayaan Interchange sa Taguig hanggang sa Capitol Hills Drive sa Commonwealth Ave., Quezon City para masiguro ang tuluy-tuloy at mabilis na biyahe ng mga motorista at komyuter. Sinabi ni Public Works Secretary Banoy Lopez na itutuloy ng DPWH ang malawakang pagsasaayos ng mga major highway na sinimulan ni dating Secretary Vince Dizon tulad ng C5 Road, na parallel na daanan sa EDSA, na matagal nang may uka at hindi patag dahil sa araw-araw na pagdaan ng mga malalaking trak. “Grabe ang problema dito sa C5. Humihingi kami ng paumanhin, dispensa, at pasensya sa lahat ng ating kababayan. Magsisimula na ang C5 rehabilitation. Maganda sa DPWH ngayon, meron na silang konsepto na ‘work on workable.’ Kung ano ang puwedeng trabahuhin, ta-trabahuhin na po natin,” sabi ni Secretary Banoy Lopez matapos inspeksyunin nila ni Transportation Secretary Dizon ang natapos na retrofitting works sa Pasig-C5 Flyover sa Bagong Ilog, Pasig City.