Posted 13 hours ago
146.69K followers
247 views
4 likes
0 comments
0 shares
๐ง๐ข๐ฃ #๐ญ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ง ๐ฃ๐๐๐๐ ๐๐ก ๐ง๐๐ ๐ช๐ข๐ฅ๐๐, ๐ก๐๐ก๐๐๐ง๐ข ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ ๐ต๐ญ Nasa Pilipinas lang pala ang isa sa kinikilalang pinaka-nakakatakot na lugar sa buong mundo. Ito ang Clark Air Base Hospital na matatagpuan sa Clark Freeport Zone sa Pampanga. Matagal na itong inabandona pero hanggang ngayon ay binabalikan pa rin ng mga paranormal investigator at urban explorer dahil sa mga kababalaghang nararanasan dito. Itinayo ang hospital noong 1960 ng United States Air Force at nagsilbing pangunahing medical facility para sa mga sundalong Amerikano noong World War II at Vietnam War. Dito dinala ang libo-libong sugatang sundalo at marami sa kanila ang hindi na nakalabas nang buhay. Noong 1991, tuluyan itong inabandona matapos ang pagputok ng Mt. Pinatubo na bumalot ng abo sa buong Clark Air Base. Ayon sa mga ulat, kinilala ng Ghost Hunters International ang Clark Abandoned Hospital bilang isa sa "most haunted places in the world" at itinampok din ito sa National Geographic documentary series na "I Wouldn't Go In There" noong 2013. Kabilang sa mga madalas na naririnig ay mga sigaw, bulong, iyak ng sanggol sa dating pediatric ward at mga yabag sa mga pasilyo. Ang pinaka-nakakakilabot na bahagi umano ay ang morgue kung saan may mga nakakarinig ng sigaw na "Help me, I don't want to die." May mga kwento rin ng mga apparition ng sundalo at nars, pati na ng mga espiritung nambabato umano ng mga bagay sa mga bumibisita. Hindi na ito basta abandonadong hospital lang. Isa na itong bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na pinaghalong digmaan, trahedya at kababalaghan na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa buong mundo. ๐ ๐ฒ Tripzilla, Metro Clark Guide, Ghost Hunters International #ClarkAirbase #AbandonedHospital #ScariestPlace #Pampanga #KuyaJRTV