DPWHph ยท @dpwhph

Posted 6 days ago
47.89K followers
140.7K views
4.22K likes
178 comments
1.4K shares

๐๐๐๐Œ: ๐’๐“๐Ž. ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž ๐…๐‹๐˜๐Ž๐•๐„๐‘ ๐’๐€ ๐€๐๐†๐„๐‹๐„๐’ ๐‚๐ˆ๐“๐˜, ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐†๐€, ๐“๐€๐๐”๐’๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ– ๐˜š๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜บ-๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ, ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapusin sa 2028 ang konstruksyon ng 1.22-kilometrong Sto. Cristo Flyover sa Angeles City, Pampanga, upang mabuksan ito sa mga motorista at komyuter sa unang bahagi ng 2028 para maibsan ang matinding trapiko sa MacArthur Highway at makatipid sa oras ng biyahe ang mga dumaraan dito. Tiniyak naman ni Public Works Secretary Vince Dizon na tututukan ng DPWH ang progreso ng proyekto at ang paglalaan ng sapat na pondo upang hindi maantala ang konstruksyon ng tulay upang masigurong matatapos ito bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos. โ€œDahil na rin sa direktiba ng Pangulo, kung tututukan at popondohan nang tama, at sisiguraduhing hindi na tingi-tingi ang pagpopondo, matatapos ang proyekto. Bago matapos ang termino ni PBBM, giginhawa talaga ang trapiko dito sa MacArthur Highway sa Angeles. Early 2028, kaya yan,โ€ pahayag ni Secretary Dizon.