Posted 3 weeks ago
48K followers
65.1K views
3.01K likes
102 comments
115 shares
𝐏𝐄𝐃𝐄𝐒𝐓𝐑𝐈𝐀𝐍, 𝐊𝐎𝐌𝐘𝐔𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐍: 𝐓𝐑𝐈𝐏𝐋𝐄𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊 𝐍𝐀 𝐒𝐈𝐃𝐄𝐖𝐀𝐋𝐊 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐒𝐀-𝐑𝐎𝐗𝐀𝐒 𝐁𝐋𝐕𝐃., 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝘗𝘉𝘉𝘔, 𝘪𝘯𝘪𝘶𝘵𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘥𝘦𝘸𝘢𝘭𝘬 𝘴𝘢 𝘌𝘋𝘚𝘈 Hindi na sa kalsada maglalakad at mag-aabang ng masasakyan ang mga pedestrian at komyuter sa EDSA-Roxas Blvd. sa Pasay City matapos iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing triple ang lawak ng sidewalk sa lugar. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na prayoridad ng pamahalaan sa ginagawang EDSA Rehabilitation ang kapakanan at kaligtasan ng mga komyuter, pedestrian at siklista na dati ay nahihirapan sa araw-araw nilang biyahe dahil sa makipot at masikip na sidewalk at bike lane. “Pwede naman pala ang mas malapad na sidewalk. Dati delikado, kotse lang ang priority. Kailangan 'yung commuters naman bigyan natin ng importansya,” sabi ni Secretary Dizon.