DPWHph · @dpwhph

Posted 1 month ago
48.22K followers
6.03K views
166 likes
10 comments
1 shares

𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍, 𝐓𝐔𝐋𝐔𝐘-𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐌𝐀𝐈𝐁𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀—𝐏𝐁𝐁𝐌 𝘖𝘱𝘭𝘢𝘯 𝘒𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢 𝘉𝘢𝘩𝘢, 𝘥𝘳𝘢𝘪𝘯𝘢𝘨𝘦 𝘪𝘮𝘱𝘳𝘰𝘷𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘶𝘴𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 Hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagsulong ng mga flood mitigation efforts gaya ng Oplan Kontra Baha (OKB) at drainage improvements para maibsan ang matinding pagbaha sa mga low-lying at flood-prone areas sa buong bansa. Bilang bahagi ng OKB program ng pamahalaan, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malawakang dredging, desilting, declogging, at pagpapalawak ng mga major waterways upang mapabilis ang pagdaloy ng tubig ulan at mapabilis ang paghupa ng baha. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, tuluy-tuloy ang OKB at drainage improvements para hindi maabala ang araw-araw na pamumuhay ng mga residente, motorista, komyuter, estudyante at negosyo.