Posted 1 week ago
46.74K followers
21.7K views
834 likes
37 comments
41 shares
๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐๐๐๐ ๐ฑ๐ช๐ฑ๐ฆ๐ด, ๐ช๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ช๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ฐ๐ญ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐ค๐ข๐ฑ๐ข๐ค๐ช๐ต๐บ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฃ๐ช๐จ ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng malawakang drainage improvement sa Metro Manila gamit ang High-Density Polyethylene (HDPE) pipes para sa mas malaking holding capacity ng tubig ulan at mapabilis ang pagdaloy ng baha sa mga low-lying at flood-prone areas. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na maiibsan ang matinding baha sa Remedios, Kalaw, Taft Ave., at kahabaan ng Roxas Blvd. sa tulong ng two-meter diameter HDPE pipes, na magsisilbi ring water detention basin upang magamit muli ang maiipong tubig sa ibang paraan ngayong paparating na ang Super El Niรฑo. โMaganda โyung plano. Sabay-sabay natin itong gagawin. All districts of Metro Manila, [may] ginagawa na. Tuluy-tuloy lang tayo sa pag-e-execute hanggang next year,โ sinabi ni Secretary Dizon matapos inspeksyunin ang kinakabit na HDPE pipes sa Roxas Blvd. Service Road.