Posted 1 week ago
46.55K followers
58.8K views
3.45K likes
82 comments
304 shares
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ถ๐ด๐ข๐ญ๐ช ๐ด๐ข ๐๐๐ ๐๐ฆ๐ฏ๐๐ข๐ฏ, ๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga pasilidad at imprastruktura sa Southern Mindanao na nasira ng 7.8 magnitude na lindol noong Hunyo upang maibsan ang araw-araw na pamumuhay ng mga apektadong residente doon. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na nakabalik na sa kanilang mga classroom ang halos 400 estudyante matapos ang pagsasaayos DPWH sa loob lamang ng isang buwan ng nasirang infirmary at graduate school building ng Mindanao State University-General Santos City Campus. โNaging utos ng Pangulo sa akin, kailangan bilisan โyung pag-aayos nung mga facilities natin, lalo na โyung schools. We have to finish it before the next school year. That should be our target,โ sinabi ni Secretary Dizon sa kaniyang pag-inspeksyon ng eskwelahan kasama sina National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Manny Pacquiao, General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao, at MSU Chancellor Shidik Abantas.