Posted 5 days ago
45.15K followers
120.7K views
5.94K likes
118 comments
776 shares
𝐏𝐁𝐁𝐌: 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐍, 𝐈𝐓𝐔𝐋𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐌𝐄𝐓𝐑𝐎𝐏𝐎𝐋𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐂𝐀𝐓𝐇𝐄𝐃𝐑𝐀𝐋 𝘐𝘮𝘣𝘢𝘬𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘣𝘪𝘨 𝘶𝘭𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘣𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘩𝘢 𝘴𝘢 𝘋𝘢𝘨𝘶𝘱𝘢𝘯 Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggawa ng mga water detention basin sa Dagupan, Pangasinan at itulad ito sa detention basin sa Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist para maibsan ang matinding baha sa lugar tuwing malakas ang pag-ulan. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na makakatulong ang imbakan ng tubig para hindi na makaranas ng ilang linggong pagbaha ang Dagupan, na kilala bilang isa sa “notoryus” na pagbaha kapag may habagat o bagyo. “Base sa direktiba ng ating Pangulo na talagang mag-execute na tayo, kumilos na tayo. We will execute and put in motion all these plans dito sa Dagupan,” sinabi ni Secretary Dizon sa kaniyang pag-inspeksyon sa Dagupan kasama sina Archbishop Socrates Villegas, Pangasinan 4th District Rep. Gina De Venecia at Dagupan Vice Mayor Dean Bryan Kua.