DPWHph ยท @dpwhph

Posted 17 hours ago
43.39K followers
40.88K views
2.52K likes
95 comments
88 shares

๐๐๐๐Œ: ๐Œ๐„๐“๐‘๐Ž ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€ ๐ƒ๐‘๐€๐ˆ๐๐€๐†๐„, ๐ˆ-๐”๐๐†๐‘๐€๐ƒ๐„, ๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐Š๐ˆ๐ ๐˜”๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ช๐˜ฃ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-upgrade at palawakin ang holding capacity ng mga drainage sa buong Metro Manila upang mapabilis ang daloy ng tubig-ulan sa mga kanal at maibsan ang matinding pagbaha sa mga low-lying at flood prone areas. Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, minamadali na ang 1.3-kilometerong drainage improvement project sa kahabaan Sumulong Highway sa Marikina City gamit ang mga 2-meter High-Density Polyethylene (HDPE) pipes, habang tiniyak ng Kalihim na palalawakin din ang ibang drainage sa Maynila. โ€œPaulit-ulit ang Pangulo natin na dapat talaga i-upgrade na natin kasi marami sa mga drainage natin ay post-World II pa. Kung ganito kalalaki ang ating mga [drainage] pipe, may pupuntahan pa rin 'yung tubig, at dahil nga malaki na ito at mahaba, hopefully hindi na ito magbabaha kahit na may major flooding event. Magseserve din itong dalawang 2-meter HDPE pipes natin bilang detention basin," sinabi ni Secretary Dizon, sa kanyang inspeksyon ng proyekto nitong Martes.