DPWHph ยท @dpwhph

Posted 1 day ago
26.93K followers
5.78K views
65 likes
2 comments
1 shares

๐‘๐Ž๐€๐ƒ ๐‚๐‘๐€๐’๐‡ ๐’๐€ ๐ƒ๐„๐‹ ๐†๐€๐‹๐‹๐„๐†๐Ž: ๐‚๐€๐Œ๐’๐”๐‘ ๐Ÿ๐’๐“ ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐„๐๐†๐ˆ๐๐„๐„๐‘ ๐’๐ˆ๐๐€๐Š ๐’๐€ ๐๐–๐„๐’๐“๐Ž ๐˜—๐˜‰๐˜‰๐˜”: ๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ, ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ Tinanggal na ni Public Works Secretary Vince Dizon sa pwesto ang District Engineer ng DPWH Camarines Sur 1st District Engineering Office matapos ang road crash sa Brgy. Magais, Del Gallego, Camarines Sur dahil sa kakulangan ng sapat na road safety warning signs at traffic safety devices sa ginagawang bahagi ng kalsada sa lugar. Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mapapanagot ang mga opisyal ng DPWH at mga kontraktor na nagpapabaya sa tungkulin, inutos na rin ni Secretary Dizon ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman kung may iba pang dapat panagutin sa insidente. Pinaalalahanan naman ng Kalihim ang mga tauhan ng DPWH at contractor nito na tiyaking maayos ang pagsasagawa ng mga proyekto upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng mga motorista, komyuter at iba pang road users. For context: https://www.facebook.com/share/p/1DB7XLnmh7/?mibextid=wwXIfr