DPWHph ยท @dpwhph

Posted 3 days ago
26.93K followers
137.6K views
7.43K likes
189 comments
321 shares

๐๐๐๐Œ, ๐ˆ๐๐ˆ๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐“๐„๐Š๐๐Ž๐‹๐Ž๐‡๐ˆ๐˜๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐Œ๐€๐๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐’ ๐€๐๐† ๐„๐ƒ๐’๐€ ๐‘๐„๐‡๐€๐ ๐˜”๐˜ข๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜Œ๐˜‹๐˜š๐˜ˆ, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng makabagong kagamitan at teknolohiya para mapabilis at matiyak na de-kalidad ang patuloy na rehabilitasyon ng EDSA mula Orense sa Makati hanggang Monumento sa Caloocan para sa mas maayos na biyahe ng mga motorista, komyuter at pedestrian. Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon, gamit sa pagsasaayos ng EDSA ang computer-guided at assisted paving machine upang matiyak na mabilis, pantay at matibay ang paglalatag ng aspalto kumpara sa dating mano-manong proseso. "Gumagamit na tayo ng mga teknolohiyang pampabilis para masigurado na maayos talaga 'yung trabaho. Computer-guided na [ang pag-aaspalto] para siguradong pantay. May laser 'yan. Ang kabilin-bilanan ni PBBM, kailangan natutupad natin 'yung pangako natin na bilisan natin pero, at the same time, minimal 'yung aberya," ayon kay Secretary Dizon.