Posted 1 week ago
18.72K followers
139K views
7.47K likes
84 comments
1.06K shares
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ด-๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐ข๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ณ๐ฆ๐ด๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ Walang tigil ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa dredging operations at pagpapalawak ng Pinacanauan-Cagayan River sa Tugegarao City, Cagayan upang matiyak na maiiwasan ang lagpas-taong baha na nararanasan ng mga residente ng Brgy. Centro 9 lalo ngayong rainy season. Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pagpapalawig Oplan Kontra Baha (OKB) initiative ng pamahalaan sa buong bansa para masigurong tuluy-tuloy ang daloy ng tubig ulan sa mga major waterways gaya ng drainage, estero at ilog para mapabilis ang paghupa ng baha sa mga flood-prone at low-lying areas. โAng utos ni Pangulo, kailangan mabilis tayong mag-dredging tsaka maglinis ng mga dinadaanan ng tubig. Kung hindi man completely mawala yung baha, at least it will subside quickly. Basta we will not stop. Tuluy-tuloy tayo,โ ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon.