Posted 1 week ago
18.72K followers
4.25K views
125 likes
3 comments
0 shares
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐โ๐๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐ฑ๐ญ๐ข๐ฏ ๐๐ฐ๐ฏ๐ต๐ณ๐ข ๐๐ข๐ฉ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐ช๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐จ๐ข๐ณ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข Ngayong nagsisimula na ang pagpasok ng mga malalakas na bagyo sa bansa, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Public Works Secretary Vince Dizon na tiyaking nakaantabay ang Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama ang iba pang sangay ng pamahalaan, upang agad na tumugon sa mga lugar na madalas bahain at masigurong ligtas ang bawat mamamayan mula sa epekto ng mga pagbaha. Sinabi naman ni Secretary Dizon na patuloy na pinaghahandaan ng DPWH ang inaasahang epekto ng tag-ulan sa ilalim ng Oplan Kontra Baha (OKB), na nananatiling operational sa iba't ibang rehiyon, kung saan isinasagawa ang paglilinis, desilting, dredging, at pag-aalis ng mga obstructions sa mga waterways upang mapabuti ang daloy ng tubig-ulan at mabawasan ang panganib ng pagbaha. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang DPWH OKB sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Tarlac, Naga, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, kabilang ang Cebu, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, at Maguindanao, bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng pamahalaan ngayong tag-ulan.