Posted 2 days ago
7.72K followers
5.63K views
43 likes
17 comments
3 shares
โ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐โ | ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ MAYNILA โ Umani ng matinding reaksyon online ang aktres at activist na si Agot Isidro matapos niyang banatan ang 13 senador na bumoto upang mapatalsik si Tito Sotto bilang Senate President at mailuklok si Alan Peter Cayetano bilang bagong lider ng Senate of the Philippines. Sa sunod-sunod niyang posts sa X, tinawag ni Isidro na โ13 Satanas sa Senadoโ ang mga senador na sumuporta kay Cayetano sa gitna ng kontrobersyal na balasahan sa Senado. โI have ducking NO respect for these 13 hooligans who call themselves Senators of the Philippines. DUCK YOU,โ ani Isidro matapos ang eleksyon sa Senado. Sa hiwalay na post, pinatutsadahan din niya si Cayetano dahil sa pagbanggit nito ng Bible verses kasabay ng pagbabago ng liderato. โAPC, can you please stop uttering Bible verses kasi sure ako, hindi natutuwa si God saโyo. # 13SatanasSaSenado,โ dagdag pa niya. Kabilang sa mga senador na bumoto pabor kay Cayetano sina Ronald "Bato" dela Rosa, Francis Escudero, Joel Villanueva, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Bong Go, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Loren Legarda, Mark Villar, Camille Villar, at si Cayetano mismo. Nagbigay rin ng reaksyon si Isidro sa kontrobersya kaugnay kay Dela Rosa matapos ang umanoโy tangkang pagsisilbi ng National Bureau of Investigation (NBI) ng warrant mula sa International Criminal Court sa loob ng Senado. Matapos lumabas ang CCTV footage ng senador, sinabi ni Isidro: โJust saw the CCTV. We have a runner!!! # BatoDuwag.โ Hinimok din ng aktres ang publiko na suportahan ang panawagan para sa accountability, kabilang ang impeachment proceedings laban kay Sara Duterte. Mabilis na nag-viral ang kanyang mga pahayag at lalong nagpainit sa usaping politikal online kasabay ng tumitinding tensyon sa Senado at sa mga kontrobersyang kinahaharap ng ilang matataas na opisyal ng bansa. DISCLAIMER: I do not own the photo. For news and commentary purposes only. CTTO to the rightful owner No Copyright infringement! #vpsarahindayduterter๐๐ต๐ญ #GodsavethePhilippines #parasabayan #PhilippinePolitics #PilipinasDutertePaRin