2.04K views
109 likes
15 comments
0 shares

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐Ÿฐ, ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†: ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ธ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ป! ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—บ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ Mariing kinokondena ng Sining Lila ang naging pahayag ni Quezon City Rep. Jesus Manuel 'Bong' Suntay sa gitna ng deliberasyon hinggil sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Sa halip na ituon ang diskusyon sa seryosong usapin ng pananagutan at alegasyon ng pangungurakot, pinili niyang ilihis ang talakayan sa pamamagitan ng isang malaswa at hindi angkop na komento na walang lugar sa isang opisyal at pampublikong pagdinig ng Kongreso. Hindi usapin ang personal na sexual fantasies ng sinuman dahil ito ay pribadong bagay. Ngunit ibang usapan kapag ang ganitong pahayag ay binibitawan ng isang halal na opisyal sa loob mismo ng Kongreso, lugar na dapat ay may respeto, integridad, at pananagutan sa mamamayan. Malinaw na manipestasyon ng macho-pyudal at misogynist na kultura umiiral sa ating lipunan. Hindi lamang nito binabastos ang kababaihan, kundi pinapababa rin nito ang antas ng pampublikong diskurso at inililihis ang atensyon ng taumbayan mula sa mahahalagang isyung dapat pagtuunan, lalo na ang usapin ay accountability ng gaya ni VP Sara Duterte. Higit pa rito, ito ay direktang violation sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law). Magkaiba ang 'admiration' at lantarang pambabastos. Ang naturang pahayag ay hindi katanggap-tanggap at dapat panagutin si Rep. Suntay sa kanyang mga salita, maglabas ng public apology. Hindi natin maaaring ipaliwanag ito bilang "just a compliment" ang binitawan niyang bastos na salita kay Ms. Anne Curtis, ito ay malinaw na objectification sa kababaihan, at hindi simpleng biro o personal na opinyon. Hindi maganda ang pagsalubong ni Cong. Suntay sa paggunita sa Women's Month, lantad na naipapakita kung paanong ang mga nasa kapangyarihan ay nagagamit ang kanilang posisyon upang gawing katatawanan at object ang kababaihan, habang naililihis ang atensyon ng mamamayan mula sa tunay na paniningil ng pananagutan. Kaisa ang Sining Lila sa lahat ng kababaihan at LGBTQ+ sa pagkondena sa ganitong bastos na pananalita mula sa isang opisyal ng gobyerno. Nanawagan din kami sa House Committee on Ethics na imbestigahan at patawan ng kaukulang sanction si Cong. Suntay alinsunod sa pamantayan ng etika at pananagutan sa serbisyo publiko.