DPWHph ยท @dpwhph

Posted 6 months ago
11.27K followers
3.78K views
134 likes
8 comments
2 shares

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐„๐๐†๐ˆ๐๐„๐„๐‘๐’ ๐€๐๐† ๐…๐”๐“๐”๐‘๐„ ๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐Ž ๐’๐€ ๐ƒ๐๐–๐‡ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ท๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ข๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ช๐˜ต๐˜บ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜—๐˜ž๐˜ Mga batang engineer ang magiging kinabukasan para maibalik ang tiwala ng tao sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon. Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH na hikayatin ang mga bagong Civil Engineering graduates na maging bahagi ng ahensya para matulungan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng mga imprastruktura. Sa kaniyang pagbisita sa Davao City kasama si Pangulong Marcos, kinausap ni Secretary Dizon ang bagong Civil Engineer na si Dave Rusty Recososa, ang anak ng nag-viral na jeepney driver na si Tatay Edwin Recososa na nagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero matapos pumasa ni Dave sa katatapos lang na Civil Engineering Licensure Exam. Nahikayat ng kalihim si Dave na maging bahagi ng pagbabago sa ahensya matapos alukin ng trabaho sa DPWH Davao Regional Office bilang civil engineer. Isa si Dave sa mga iha-hire ng DPWH para punuan ang mahigit kumulang 2,000 job vacancies ng ahensiya sa buong bansa. โ€œMaganda 'yung pagpasok mo kasi marami tayong gagawin next year. Kailangan natin ng fresh blood. Bago. 'Yung hindi kamukha nila Brice Hernandez, nila Alcantara,โ€ sinabi ni Secretary Dizon kay Dave na kasama ang kaniyang ama na si Tatay Edwin. Pinuri naman ng kalihim si Tatay Edwin dahil sa araw-araw niyang sakripisyo bilang jeepney driver upang mapagtapos si Dave at maitaguyod ang kaniyang pamilya.