Posted 11 months ago
2.81K followers
3.74K views
165 likes
8 comments
5 shares
Napakataas ng kapalit sa pamumuhay ng mga Pilipino ng pagkalulong at pagkakataya sa mga panganib ng pagsusugal. Mababatid ng marami sa ating mga kababayan ang pagkasira sa buhay at mga komunidad dahil sa sugal. Kahit pa malaking salapi ang nakakalap sa mga negosyo, higit na mahalagang iwasan ang panganib na nananalanta sa mga pamilya, mga kabataan, at mga myembro ng ating lipunan. Kaya naman, ang hamon sa pamahalaan ay ang pagpapalakas sa kampanya na "Gambling is addicting, know when to stop." Sa pagpupulong ng Committee on Appropriations, itinanong ni Rep. Paolo Marcoleta kung paano pinapalakas ng PAGCOR ang kampanya nito laban sa panganib ng pagkalulong sa sugal. Pinagtitibay din ang paninindigan na lahat ng uri ng online gambling ay dapat nang wakasan. Kaugnay nito, itinanong ni Rep. Paolo Marcoleta kung sasang-ayon sa panukalang batas ang PAGCOR na limitahan ang pagpapatalastas sa anumang platform, maliban sa sariling negosyo ng mga pasugalan. Higit na mahalaga ang pagsuporta sa mga mamamayan para masiguro ang kanilang pagiging responsablé. Kahit pa ang negosyo ay mataas ang kita, dapat ay mahigpit na pagbawalan ang paglaganap ng panganib ng pagsusugal sa kabuuan ng ating lipunan. #SAGIPPARTYLIST #Marcoleta #PAGCOR #NewsPh